PANAWAGAN NG ICC PARA SA MGA SAKSI

Kalagayan sa Republika ng Pilipinas

English, Cebuano

Iniimbestigahan ng Tanggapan ng Tagausig (Office of the Prosecutor - OTP) ng Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen (International Criminal Court - ICC) ang mga alegasyon ng mga krimen laban sa sangkatauhan, kabilang ang pagpatay, tortyur, at karahasang sekswal, na isinagawa bilang bahagi ng tinatawag na kampanyang Digmaan Laban sa Droga (War on Drugs) sa pagitan ng 1 Nobyembre 2011 at 19 Marso 2019

Nananawagan kami sa mga direktang saksi sa mga pangyayaring ito, kabilang ang mga miyembro ng PNP at iba pang mga alagad ng batas na sangkot sa mga pangyayaring ito, na lumapit at makipag-ugnayan sa amin.

Kung nais ninyong gawin ito, mangyaring bisitahin ang sumusunod na link upang kumpidensyal na maibahagi sa amin ang inyong paunang impormasyón:

https://appeals.icc-cpi.int